Friday, March 4, 2011

Look at What I found from the old blog site...eww :)

 

So, why am I sharing this? Got me laughing at myself. Wonder how long it will take me to realize this "blog" relocation / reconstruction will have the same effect.

So ok, enjoy. While I try to lift out some more of my personal favorite self- posts. :)
____________________________________________________________________________

Thursday, January 27, 2005


jabines: drama ko lang, patula tula

DILIM

Sa pagmulat ko,
nasaksihan ko ang langit
Nadama ko ang saya ng araw at mga ibon,
Narinig ang kanilang matamis na sambit

Sa pagmulat ko,
Wari ko'y naroon ka na
Na lalo pang nagpaliwanag
Sa isang maaliwalas na umaga

Sa pagmulat ko,
Nakita ko ang isang simula
Batid ko'y walang pangamba
Ang anumang haharapin,
Pasakit man o dusa

Nakita ko ang aking sarili, masaya, nakangiti
Umaawit, pinapanalangin, umaasa--
Sa mga pangarap at kinabukasang naroon ka

Nakita ko ang giliw sa iyong mga mata
Nakita kita, masaya.

Nakita kong minahal mo rin ako,
Tulad ng akala mo..
Nakita ko na minsan,
Ika'y naging totoo...

Nakita kita...
Ngunit ni minsan ay hindi nadama..

Sa pagmulat ko,
Naintindihan ko na...
Ako'y bulag pala.
____________________________________________

Oo na, baduy na.


No comments:

Post a Comment